Review: Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig

Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig
Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig by Juan Miguel Severo

My rating: 4 of 5 stars

Ito ay isang koleskyon ng mga tula tungkol sa pag-ibig: iibig, umiibig, at umibig. Tulad ng aking mga librong spoken word poetry, sinubukan kong basahin nang malakas ang mga tula ni Severo. Nagandahan ako sa pagkakahabi ng kanyang mga salita. Sa unang parte ng aking pagbasa ay nagustuhan ko ang “Naniniwala Ako.” Naisip ko, bakit ko nga ba sya hindi naging paborito? Pinanood ko ang video niya sa YouTube. Naalala ko na kung bakit di ko sya naging paborito. Isang salita: STRESS. Naiistress ako sa kanya kapag napapanood ko syang magperform. Ang galaw niya ay parang hindi mapakali at kapag nadadala na sya ng emosyon, nagagalit nang husto at tumataas ang kanyang tono. Hindi ako nagiging panatiko ng mga sigaw na salita. Iniisip kong pwedeng itaas ang mga salita nang hindi itinataas ang boses. Hindi ko sya kinakaya haha. Yun ang kanyang istilo, wala na kong magagawa roon. Kaya lang, mas nananamnam ko ang kanyang mga tula habang nasa akin ang kopya ng mga salita. Di ko man sya paborito, natutuwa pa rin ako sa kanya at gusto ko pa ring tangkilikin ang kanyang mga gawa. Kung sakali, gusto ko ring aktwal na mapanood siya. Masaya ako na nakikilala na ang spoken word poetry sa Pilipinas. Teka, review nga pala ito ng libro niya. Madaling unawain ang kayang mga tula, puro emosyon, at mukhang halaw sa karanasan niya. Nagustuhan ko.

View all my reviews

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s